Sunday, July 19, 2009
Friday, July 17, 2009
Sunday, July 12, 2009
Isang bagong-saltang kaluluwa ang umakyat sa langit ang ngayon ay nakaharap kay San Pedro. Namasyal silang dalawa sa langit. Magkahawak-kamay silang naglakad-lakad sa isang malaking silid doon na puno ng mga anghel..
Huminto si San Pedro sa harap ng isang lupon ng mga anghel at nagsalita, "Ito ang silid-tanggapan. Sa silid na ito, tinatanggap lahat ng mga kahilingan sa panalangin."
Pinagmasdan ito ng kaluluwa, at nakita nitong abala ang lahat sa pag-uugnay-ugnay ng mga kahilingan na nakasulat sa bunton ng mga papel na galing sa buong mundo.
Nagpatuloy silang maglakad hanggang madaanan nila ang pangalawang lupon ng mga anghel. Ang wika ni San Pedro sa kaluluwa, "Ito naman ang 'Packaging at Delivery Section'. Dito, ang biyaya at mga pagpapala na hiniling ng mga tao ay binabalot at dini-deliver sa mga tao na humingi noon."
Nakitang muli ng kaluluwa kung gaano ito kaabala. Maraming anghel doon ang talagang subsob sa trabaho sa dami ng mga pagpapalang hiniling at dini-deliver araw-araw sa lupa.
Hanggang sa dumako sila sa huling lupon, sa pinakamalayong lupon. Huminto ang anghel doon sa isang maliit na lupon.. Sa kanyang pagkamangha, iisang anghel lamang ang nakaupo doon, walang ginagawa.
"Ito ang 'Acknowledgement Section," sabi ni San Pedro.
"Bakit tahimik? Wala ba silang ginagawa rito?"
"Nakakalungkot, " sagot ni San Pedro,"pagkatapos makatanggap ng sagot sa kanilang mga panalangin ang mga tao, kakaunti ang nagbibigay ng pasasalamat. "
"Papaano ba magbibigay ng 'acknowledgement' ang mga tao sa Diyos?"
"Simple lang. Sabihin mo lang na "Salamat po Panginoon."
"Ano bang pagpapala ang dapat nilang ipagpasalamat? "
"Kung may pagkain ka sa iyong hapag-kainan, damit na sinusuot, may bahay na tinutuluyan at kamang tutulugan, ikaw ay mas mayaman sa 75% sa mundong
ito.
"Kung may salapi kang naiipon sa iyong pitaka at may natitira pang pambili ng pagkain, ikaw ay isa sa 8% na may mga kabuhayan sa mundo.
"Kapag nakuha mo ang mensaheng ito sa iyong computer, bahagi ka ng 1% sa mundong ito na may ganyang oportunidad.
"Kapag gumising ka sa umagang ito na walang sakit, mas pinagpala ka sa milyong tao sa mundong ito na hindi na makagising dahil sa hirap ng buhay.
"Kung di mo nararanasan ang takot sa gitna ng giyera, ang kalungkutan sa loob ng piitan, ang pasakit ng mga pagsubok, at ang pangil ng pagkagutom, mas malayo ka nang milya-milya sa 700 milyong tao na nabubuhay sa mundo.
"Kung buhay pa ang iyong mga magulang at nananatiling magkasama sa bisa ng kasal, kakaunti lang kayo.
"Kung naititingala mo pa ang iyong ulo nang may ngiti sa iyong mga labi, hindi ka kasama sa karamihan. Naiiba ka kaysa sa kanila na puno ng kapighatian at mga kagulumihanan. "
Tanong ng kaluluwa, "Kung gano'n, papaano ako magsisimulang magpasalamat? "
"Kung nababasa mo ang mensaheng ito, nakatanggap ka na naman ng dobleng pagpapala, dahil may isang nagpadala sa iyo na iniisip na espesyal kang nilalang, at mas pinagpala ka kaysa sa dalawang bilyong mga tao sa buong mundo na hindi marunong magbasa . . .
"Pagpalain ang araw mo, bilangin mo ang iyong mga pagpapala, at kung ibig mo, pagpalain mo rin ang mga tao sa iyong paligid upang malaman din nila kung gaano sila pinagpala ng Panginoon.
ATTN: Acknowledgement Department: "Salamat po, Panginoon. Salamat po sa pagbibigay mo sa akin ng abilidad na ibahagi ang mensaheng ito at sa pagbibigay mo sa akin ng mabubuti at magagandang tao na babahaginan nito!
"Salamat po."

Friday, July 10, 2009
Friday, June 26, 2009
Naniniwala ba kayo sa bulalakaw? Si Marilyn, dalawampo’t taong gulang at kasulukuyang nag-aaral sa isang unibersidad ay nagkukuwento sa kanyang mga kaibigan tungkol sa bulalakaw.
Natatandaan pa ni Marilyn ang sinabi ng kanyang mga magulang noon na kapag merong bulalakaw may mga pangyayari sa buhay ng tao na mahirap ipaliwanag lalo na sa kwentong pag-ibig.
Gayunman naisip lalo ni Marilyn ang nangyari sa kanyang buhay kung saan iniwan siya ng kanyang kasintahang si Ryan.
Hapdi at kirot ang nararamdaman ni Marilyn. May mga panahon na nagbabalat kayo lamang ito sa kanyang mga kaibigan upang sabihing hindi ito apektado sa kanilang paghihiwalay ng kanyang kasintahan.
Isang araw habang nasa silid ng kanilang bahay natatanaw ni Marilyn ang sinag ng araw sa alapaap.
Na-isip bigla ni Marilyn kong kailangan ba nitong ipagpatuloy ang sidhi na nararanasan sa kanyang boyfriend noon.
Sa tuktok ng bundok kong saan nakatira ang matalik na kaibigan ni Marilyn may isang taong nagpapanggap na magsasaka.
Kinawayan niya si Marilyn sabay sigaw na, “Hello gising.” Nagulat bigla si Marilyn nang kanyang maaninag ang mukha ng lalake na kanyang dating minamahal.
Sa bubong ng kanilang bahay takip silip na pinagmamasdan ni Marilyn ang naturang lalake na panay ang pagkakaway sa kanya.
Wika pa ng lalake kay Marilyn, “Hoy ano ka’ba nanaginip kalang mahulog ka diyan sa bangin.”
Nakahinga ng malalim si Marilyn sabay yakap sa kanyang matalik na kaibigan na si Jane.
“Hayy, panaginip lang pala,” ani Marilyn.
Sinagot naman ito ng kanyang kaibigan na bakas ang pagkabalisa, “Hoy babae tigilan mo nga yang pag-iilusyon mo sa eks mo.”
Sabagay naisip rin ni Marilyn na wala siyang ginawang masama at malinis ang kanyang budhi sa paghihiwalay nila ng kanyang kasintahang si Ryan.
Sinabi nito sa kanyang sarili na di’ dapat mangamba dahil hindi siya ang nagkasala. Ang kanyang dating kasintahan umano ang walang kwenta pagdating sa pag-ibig.
“Halika na Marilyn huli na tayo sa klase,” pagpupumilit ni Jane.

MAY kasabihan na ang putik balutin man o kulapulan ng ginto ay putik pa rin. Ganoon din ba ang tao?
Tunghayan natin ang mga pangyayari sa buhay ni Melissa, dating taga-San Miguel, Manila, at nasadlak sa isang bayan sa Cavite.
Lumaki si Melissa sa isang looban sa slum area ng San Miguel, malapit sa Malacañang. Marami silang magkakapatid at halos lahat sila ay hindi gaanong nakapag-aral. Ang sabi ng mga kapitbahay, Grade 1 lang ang natapos ni Melissa kaya hirap itong bumasa at hindi makasulat maliban sa kanyang pangalan at limitadong mga salita.
Pero kung magsalita at umasta siya ay hindi mo sasabihing wala siyang pinag-aralan. Ang eskwelahan niya ay ang kanilang maliit at masikip na bahay, ang looban, ang kalye at ang mga karanasan niya sa buhay.
Palibhasa’y may hitsura at sagad sa hirap kaya bata pa ay naakit na si Melissa sa laro ng laman kapalit ng salapi at ibang bagay. Noong una ay pabarya-barya lang at parega-regalo ng pagkain, damit o kung anu-ano pero nang tumagal ay naging professional na siya. Nakatulong at napadali ang pagkapariwara niya nang siya’y mabuntis ng kanyang boyfriend na huli na nang matuklasan niyang may asawa pala.
Kung kani-kaninong mga lalaki nagpasalin-salin si Melissa hanggang sa siya’y maging kabit ng isang doctor. Sinubukan din ni Melissa na pumasok noon sa club bilang GRO, sa anyaya ng ilang kaibigang tulad niya, pero nakita niyang hindi siya hiyang sa ganoong laro. Ang totoo ay nabablangko at hindi siya makapagsalita kapag may mga guest na foreigner at hindi marunong magsalita ng Tagalog.
Kilala si Melissa sa kanilang lugar sa Manila pero balewala ito sa kanya, sa pamilya niya at sa doctor niyang steady umano. Ibinahay na siya sa isang apartment kasama ang kanyang anak at binibigyan ng monthly allowance pero hindi pa rin maiwan ni Melissa ang dating gawi. Paminsan-minsan kapag siya’y sinusumpong, suma-sideline pa rin siya maski sa San Miguel.
Nalaman ng doctor ang pasa-sideline ni Melissa at ilang beses silang naghiwalay at nagkabalikan. Nang lumaon, marahil ay napagod na rin sila sa isa’t isa at iniwan siya ng doctor. Nahirapan si Melissa noong una hanggang sa makilala siya ni Mario. Alam niya kung ano at sino si Melissa pero inalok niya itong magbagong-buhay sa Cavite.
May bahay si Mario sa isang subdivision at doon ay walang nakakakilala kay Melissa. Nagbakasakali si Melissa at sinubukan niyang mamuhay nang tahimik na gaya ng isang karaniwang maybahay. Alam niyang may asawa si Mario pero ang sabi nito ay hiwalay umano sila. Ilang babae na rin ang kinasama ni Mario kaya halos pareho lang ang karanasan nila ni Melissa sa pag-ibig at sex.
Maganda na sana ang pagsasama nina Mario at Melissa at talagang nag-adjust ang huli sa bago at kakaibang lifestyle ng babaing may asawa sa isang maliit na subdivision na halos lahat ay malamang na magkakakilala sa liit ng mundong iniikutan nila.
Subalit may dumating na isang lalaki, na minsang nakaulayaw ni Melissa sa Maynila at namukhaan siya nito. Hindi na nakapagkaila si Melissa at ipinaliwanag niya ang kanyang sitwasyon. Gusto na niya umanong magbago ang buhay niya at sana ay maintindihan at matulungan siya nito.
Nakinig lang si Ronald sa mga sinabi ni Melissa pero iba ang naglalaro sa isipan niya. May kamag-anak at mga kaibigan siya sa subdivision at madalas siya roon lalo na sa tuwing may mga okasyon.
Minsan ay inimbitahan ni Ronald si Melissa sa isang birthday party ng isang kaibigan. Wala si Mario at napilitang sumama si Melissa. Alam ni Ronald na dati ay malakas uminom ng alak si Melissa. Sa katunayan ay talo siya nito noon sa inuman at parang hindi ito nalalasing.
Ayaw sanang uminom ni Melissa pero wala rin siyang nagawa kundi ang paunlakan ang kahilingan ni Ronald. Nalasing si Melissa at hindi na niya naiwasan ang mga sumunod na pangyayari.
Nagkaroon si Ronald ng dahilan upang hawakan sa leeg si Melissa. Hindi lubos na maintindihan ni Melissa kung bakit hindi siya makatanggi kay Ronald at naging sunud-sunuran siya rito. Kumalat ang tsismis sa subdivision na balik na uli si Melissa sa dating gawi.
Nang malaman ni Mario ang ginagawa ni Melissa ay galit na pinalayas niya ito kasama ang kanyang anak.
Balik Maynila si Melissa at sumakay sa dating pamumuhay.
Jojo Acain

Saturday, June 20, 2009
Saturday, May 30, 2009
Monday, May 25, 2009
Sunday, May 24, 2009
Sunday, May 17, 2009
Thursday, May 14, 2009
Tuesday, May 12, 2009
Happy Birthday Mom
http://www.123greetings.com/birthday/happy_birthday/birthday15.html
Send this eCard !
Send this eCard !