Friday, June 26, 2009

Panaginip sa bukang liway-liway

Naniniwala ba kayo sa bulalakaw? Si Marilyn, dalawampo’t taong gulang at kasulukuyang nag-aaral sa isang unibersidad ay nagkukuwento sa kanyang mga kaibigan tungkol sa bulalakaw.

Natatandaan pa ni Marilyn ang sinabi ng kanyang mga magulang noon na kapag merong bulalakaw may mga pangyayari sa buhay ng tao na mahirap ipaliwanag lalo na sa kwentong pag-ibig.

Gayunman naisip lalo ni Marilyn ang nangyari sa kanyang buhay kung saan iniwan siya ng kanyang kasintahang si Ryan.

Hapdi at kirot ang nararamdaman ni Marilyn. May mga panahon na nagbabalat kayo lamang ito sa kanyang mga kaibigan upang sabihing hindi ito apektado sa kanilang paghihiwalay ng kanyang kasintahan.

Isang araw habang nasa silid ng kanilang bahay natatanaw ni Marilyn ang sinag ng araw sa alapaap.

Na-isip bigla ni Marilyn kong kailangan ba nitong ipagpatuloy ang sidhi na nararanasan sa kanyang boyfriend noon.

Sa tuktok ng bundok kong saan nakatira ang matalik na kaibigan ni Marilyn may isang taong nagpapanggap na magsasaka.

Kinawayan niya si Marilyn sabay sigaw na, “Hello gising.” Nagulat bigla si Marilyn nang kanyang maaninag ang mukha ng lalake na kanyang dating minamahal.

Sa bubong ng kanilang bahay takip silip na pinagmamasdan ni Marilyn ang naturang lalake na panay ang pagkakaway sa kanya.
Wika pa ng lalake kay Marilyn, “Hoy ano ka’ba nanaginip kalang mahulog ka diyan sa bangin.”
Nakahinga ng malalim si Marilyn sabay yakap sa kanyang matalik na kaibigan na si Jane.

“Hayy, panaginip lang pala,” ani Marilyn.

Sinagot naman ito ng kanyang kaibigan na bakas ang pagkabalisa, “Hoy babae tigilan mo nga yang pag-iilusyon mo sa eks mo.”

Sabagay naisip rin ni Marilyn na wala siyang ginawang masama at malinis ang kanyang budhi sa paghihiwalay nila ng kanyang kasintahang si Ryan.

Sinabi nito sa kanyang sarili na di’ dapat mangamba dahil hindi siya ang nagkasala. Ang kanyang dating kasintahan umano ang walang kwenta pagdating sa pag-ibig.

“Halika na Marilyn huli na tayo sa klase,” pagpupumilit ni Jane.

Laro ng laman

MAY kasabihan na ang putik balutin man o kulapulan ng ginto ay putik pa rin. Ganoon din ba ang tao?

Tunghayan natin ang mga pangyayari sa buhay ni Melissa, dating taga-San Miguel, Manila, at nasadlak sa isang bayan sa Cavite.

Lumaki si Melissa sa isang looban sa slum area ng San Miguel, malapit sa MalacaƱang. Marami silang magkakapatid at halos lahat sila ay hindi gaanong nakapag-aral. Ang sabi ng mga kapitbahay, Grade 1 lang ang natapos ni Melissa kaya hirap itong bumasa at hindi makasulat maliban sa kanyang pangalan at limitadong mga salita.

Pero kung magsalita at umasta siya ay hindi mo sasabihing wala siyang pinag-aralan. Ang eskwelahan niya ay ang kanilang maliit at masikip na bahay, ang looban, ang kalye at ang mga karanasan niya sa buhay.

Palibhasa’y may hitsura at sagad sa hirap kaya bata pa ay naakit na si Melissa sa laro ng laman kapalit ng salapi at ibang bagay. Noong una ay pabarya-barya lang at parega-regalo ng pagkain, damit o kung anu-ano pero nang tumagal ay naging professional na siya. Nakatulong at napadali ang pagkapariwara niya nang siya’y mabuntis ng kanyang boyfriend na huli na nang matuklasan niyang may asawa pala.

Kung kani-kaninong mga lalaki nagpasalin-salin si Melissa hanggang sa siya’y maging kabit ng isang doctor. Sinubukan din ni Melissa na pumasok noon sa club bilang GRO, sa anyaya ng ilang kaibigang tulad niya, pero nakita niyang hindi siya hiyang sa ganoong laro. Ang totoo ay nabablangko at hindi siya makapagsalita kapag may mga guest na foreigner at hindi marunong magsalita ng Tagalog.

Kilala si Melissa sa kanilang lugar sa Manila pero balewala ito sa kanya, sa pamilya niya at sa doctor niyang steady umano. Ibinahay na siya sa isang apartment kasama ang kanyang anak at binibigyan ng monthly allowance pero hindi pa rin maiwan ni Melissa ang dating gawi. Paminsan-minsan kapag siya’y sinusumpong, suma-sideline pa rin siya maski sa San Miguel.

Nalaman ng doctor ang pasa-sideline ni Melissa at ilang beses silang naghiwalay at nagkabalikan. Nang lumaon, marahil ay napagod na rin sila sa isa’t isa at iniwan siya ng doctor. Nahirapan si Melissa noong una hanggang sa makilala siya ni Mario. Alam niya kung ano at sino si Melissa pero inalok niya itong magbagong-buhay sa Cavite.

May bahay si Mario sa isang subdivision at doon ay walang nakakakilala kay Melissa. Nagbakasakali si Melissa at sinubukan niyang mamuhay nang tahimik na gaya ng isang karaniwang maybahay. Alam niyang may asawa si Mario pero ang sabi nito ay hiwalay umano sila. Ilang babae na rin ang kinasama ni Mario kaya halos pareho lang ang karanasan nila ni Melissa sa pag-ibig at sex.

Maganda na sana ang pagsasama nina Mario at Melissa at talagang nag-adjust ang huli sa bago at kakaibang lifestyle ng babaing may asawa sa isang maliit na subdivision na halos lahat ay malamang na magkakakilala sa liit ng mundong iniikutan nila.

Subalit may dumating na isang lalaki, na minsang nakaulayaw ni Melissa sa Maynila at namukhaan siya nito. Hindi na nakapagkaila si Melissa at ipinaliwanag niya ang kanyang sitwasyon. Gusto na niya umanong magbago ang buhay niya at sana ay maintindihan at matulungan siya nito.

Nakinig lang si Ronald sa mga sinabi ni Melissa pero iba ang naglalaro sa isipan niya. May kamag-anak at mga kaibigan siya sa subdivision at madalas siya roon lalo na sa tuwing may mga okasyon.

Minsan ay inimbitahan ni Ronald si Melissa sa isang birthday party ng isang kaibigan. Wala si Mario at napilitang sumama si Melissa. Alam ni Ronald na dati ay malakas uminom ng alak si Melissa. Sa katunayan ay talo siya nito noon sa inuman at parang hindi ito nalalasing.

Ayaw sanang uminom ni Melissa pero wala rin siyang nagawa kundi ang paunlakan ang kahilingan ni Ronald. Nalasing si Melissa at hindi na niya naiwasan ang mga sumunod na pangyayari.

Nagkaroon si Ronald ng dahilan upang hawakan sa leeg si Melissa. Hindi lubos na maintindihan ni Melissa kung bakit hindi siya makatanggi kay Ronald at naging sunud-sunuran siya rito. Kumalat ang tsismis sa subdivision na balik na uli si Melissa sa dating gawi.

Nang malaman ni Mario ang ginagawa ni Melissa ay galit na pinalayas niya ito kasama ang kanyang anak.

Balik Maynila si Melissa at sumakay sa dating pamumuhay.

Jojo Acain

Saturday, June 20, 2009